Home NATIONWIDE Korean culture, mahal ng mga Pinoy – PBBM

Korean culture, mahal ng mga Pinoy – PBBM

200
0

MANILA, Philippines – Mahal ng mga Filipino ang kultura ng mga Koreano lalo na ang pagkain nito.

Sa katunayan, makikita ang mga Filipino sa mga Korean restaurants na kumakain ng Samgyeopsal, nanonood ng K-dramas at nakikinig sa K-pop.

Sa idinaos na Philippines-Korea Business Forum, sinabi ni Pangulo Marcos ang malalim na koneksyon sa pagitan ng Pilipinas at South Korea, hindi lamang sa kalakalan at komersyo kundi sa kultura at pagkakaibigan.

”I am sure, with Korean restaurants sprouting out around the Philippines, Filipinos have—at least once—shared stories and have laughed over some Kimchi, some Samgyeopsal with friends and with family,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

”And of course, the countless hours that we have spent binge-watching our favorite Korean dramas and listening to K-pop,” ayon pa rin sa Chief Executive sabay sabing ”This highlights how the Filipinos love Koreans and your culture.”

Samantala, sinabi pa ni Pangulong Marcos na ang mga Koreans ay ”love everything that is Filipino”, tinukoy nito ang mahigit sa isang milyong Korean nationals na dumarating sa bansa.

Nauna rito, mainit na tinanggap ni Pangulong Marcos si South Korean President Yoon Suk Yeol sa Palasyo ng Malakanyang kung saan ay kapuwa itinaas ng dalawang lider ang kanilang ugnayan tungo sa strategic partnership.

Sinabi ni Pangulong Marcos na ang dalawang bansa ay may matatag na ugnayan sa iba’t ibang larangan ng pagtutulungan kabilang na ang tanggulan at seguridad, maritime cooperation, kalakalan, development, at people-to-people exchanges.

May ilang kasunduan naman ang nilagdaan sa panahon ng state visit ni Yoon sa bansa. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here