Home METRO Korean national natagpuang patay sa apartment sa Cavite

Korean national natagpuang patay sa apartment sa Cavite

MANILA, Philippines – Isang Korean national ang natagpuang patay sa loob ng kanyang inuupahang apartment makaraang hindi nakarating sa kanyang naka-iskedyul na paglalaro ng golf sa Silang, Cavite.

Ayon sa report, hinihinalang may ilang oras nang patay nang natagpuan ang biktimang si Seon Jun Baek, 67, may-asawa nakatira sa Jaycee Business compound apartments sa Brgy San Vicente 2, ng nasabing bayan.

Base sa personal na caddie ng biktima, bandang alas-11:30 kamakalawa ng umaga ay nagtaka ito nang hindi siya nakarating sa kanyang pang-umagang laro ng golf sa Riviera Golf Club dahilan upang tawagan siya subalit hindi sumasagot ang biktima kaya pinuntahan nito sa kanyang tinutuluyang bahay.

Napag-alaman na pagdating ng caddie sa bahay ng biktima, sarado ito kaya humingi ng tulong sa landlord nito na buksan ang pintuan ng bahay.

Doon na tumambad ang wala nang buhay na biktima.

Sumailalim sa head surgery ang biktima at inaalam pa kung may kaugnayan ito sa kanyang pagkamatay. MARGIE BAUTISTA