Home NATIONWIDE 6 dayuhan tiklo sa illegal na pag-access ng bank accounts

6 dayuhan tiklo sa illegal na pag-access ng bank accounts

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Biyernes, Pebrero 28 ang pag-aresto sa anim na dayuhan na umano’y nag-access sa pribadong bank account ng ilang indibidwal.

Ayon sa ahensya, nagpatupad ng ‘warrant to search, seize and examine’ ang mga operatiba ng NBI-National Capital Region (NCR) sa mga computer data sa isang condominium sa Malate, Maynila noong Pebrero 10, na nagresulta sa pagkakaaresto sa anim na dayuhan.

Isinagawa nila ang operasyon kasunod ng pagkakaaresto sa isang Chinese at Filipino interpreter nito sa Makati City noong Pebrero 4.

Sinabi ng NBI na ginamit ang mga nakolektang impormasyon mula sa umano’y “love scam” hub ng mga dayuhan sa Makati City para maglipat ng pondo sa isang iligal na na-access na bank account ng third-party.

“They were illegally accessing the bank accounts belonging to several individuals and transferring the credits of such accounts to several accounts under their control,” ayon sa NBI sa isang pahayag .

Isinalang na sa inquest proceedings sa Manila prosecutors para sa paglabag sa Section 4(a)(1) of the Cybercrime Prevention Act of 2012, na may kaugnayan sa illegal na pag-access sa computer system ang mga naarestong indibidwal. Jocelyn Tabangcura-Domenden