Home METRO Korean nat’l na kumitil sa aspin ‘guilty’ sa animal cruelty

Korean nat’l na kumitil sa aspin ‘guilty’ sa animal cruelty

192
0

MANILA, Philippines- Hinatulang guilty sa animal cruelty ng isang Manila court ang lalaking Korean na sumaksak sa isang aso hanggang mamatay ito sa Malate, Manila noong Marso 2024, base sa ulat nitong Miyerkules.

Nahatulan umano si Jung Seongho matapos ang ilang buwang legal battle na sinuportahan ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS).

Sa court decision noong Nobyembre 12, hinatulan si Jung na guilty “beyond reasonable doubt” matapos lumabas sa mga ebidensya at mga saksi na inatake nito ang aspin na si Erica na pagmamay-ari ng isang restaurant noong Marso.

Gamit ang kitchen knife mula sa restaurant, pinagsasaksak ni Jung si Erica “several times causing (the dog’s) eventual death”.

Anang Korean citizen, kinagat siya ng isang asong gala at nagtungo sa kalapit na restaurant upang linisin ang kanyang sugat. Sa lugar na ito, sinabi ni Jung na tinahulan siya ng aso, dahilan upang kumuha siya ng kutsilyo at pagsasaksakin ang aso.

Naaresto si Jung, may asawang Pilipina, at ikinulong ng mga awtoridad matapos magsagawa ng citizen’s arrest ang mga saksi.

Naghain ang suspek ng not guilty plea sa mga kasong animal cruelty at umano’y unlawful possession ng kitchen knife.

Bagama’t pinawalang-sala siya sa kasong pagdadala ng kitchen knife sa labas ng kanyang tahanan, sinintensyahan si Jung ng dalawang taong pagkakakulong at pinagmulta ng P100,000 para sa animal cruelty.

“Thanks to the quick action of witnesses who executed a ‘citizen’s arrest’ and then called authorities right after the stabbing incident, the Jung was immediately arrested and jailed prior to the formal hearings… Erica’s case underscores the importance of quickly calling law enforcement officers on top of just taking a video of the crime for posting on social media or as evidence,” ayon sa pahayag. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here