MANILA, Philippines- May ilang embahada sa Manila ang nagpahayag ng pagkabahala sa kamakailan lamang na agresibong aksyon ng Tsina matapos na muling bombahin ng water cannon ng mga barko ng Tsina ang mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa West Philippine Sea (WPS).
Sa isang post sa X (dating Twitter), sinabi ni United States Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson na: “The PRC’s unlawful use of water cannons and dangerous maneuvers disrupted a Philippine maritime operation on December 4, putting lives at risk.”
Sinabi ni Carlson na kinokondena ng Estados Unidos ang nasabing aksyon ng Tsina, tiniyak na kaisa pa rin sila ng Pilipinas kasama ang mga kaalyado mula sa Indo-Pacific region.
Paulit-ulit namang sinisiguro ng Estados Unidos ang commitment nito sa Pilipinas, isa sa pinakamalapit na kaalyado sa Southeast Asia, nananatiling “ironclad.”
Samantala, sinabi naman ng European Union (EU) na labis sila nababahala sa naging aksyon ng Tsina kamakailan, malinaw na paglabag ito sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
“Very concerned by China’s aggressive actions against Philippine government vessels near Scarborough Shoal and Sabina Shoal on 4 December,” ang sinabi ni EU Ambassador to the Philippines Massimo Santoro sa kanyang post sa X.
“Such behaviour clearly runs counter the UNCLOS and international maritime safety regulations,” dagdag niya.
Itinuturing naman ng New Zealand na “deeply worrying” ang aksyon at presensya ng People’s Liberation Army Navy (PLAN) ship ng Tsina sa WPS. Ang New Zealand ay kasama sa maritime drills ng Pilipinas sa WPS.
“These latest dangerous actions by the Chinese Coast Guard towards the Philippines are deeply worrying, as is the presence of PLAN vessels. Water cannons and contact between vessels risk safety at sea and threaten regional stability and international law,” ang sinabi ng New Zealand Embassy sa Manila.
“We again firmly call for peaceful resolution of disputes in accordance with UNCLOS,” dagdag pa nito.
Para naman sa Finland, miyembro ng European Union, naalarama rin ito sa naging aksyon ng Tsina.
“Expressing my concern about these dangerous maneuvers and call for respect for international law,” ang sinabi ni Finland Ambassador Saija Nurimen sa kanyang post sa X.
Para sa mga awtoridad ng Pilipinas, mapanganib ang ginawa ng Chinese Coast Guard kabilang na ang “side swiping, blocking, at shadowing.”
Inakusahan din nito ang Tsina na nagpadala ng Navy ships para sundan ang vessels sa Bajo de Masinloc, ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang PLA Navy vessels “came quite near and participated in the blocking or aggressive movements of the Chinese vessels.”
Binalaan ng Chinese Embassy sa Manila ang Pilipinas na “immediately halt its infringements, provocations and inflammatory actions” at sinabi na intensyon ng Philippine vessels na magpabangga sa CCG ship.
“The Philippines will be held accountable for all consequences arising from this,” giit ni CCG spokesperson Liu Dejun.
Bukod sa Pilipinas at Tsina, ang mga bansang umaangkin din sa WPS ay ang Vietnam, Indonesia, Malaysia, at Brunei. Kris Jose