Home ENTERTAINMENT Korte pumanig sa TVJ; Eat Bulaga! bawal nang gamitin ng TAPE, GMA

Korte pumanig sa TVJ; Eat Bulaga! bawal nang gamitin ng TAPE, GMA

Manila, Philippines – Wala nang balakid ang paggamit nina Tito at Vic Sotto at Joey de Leon–or collectively known as TVJ–sa titulong Eat Bulaga.

Eksaktong 4:23 ng hapon nitong January 5, Biyernes ay natanggap na ni Tito via email ang desisyon ng Marikina Regional Trial Court.

May kinalaman ito sa kasong copyright infringement at unfair competition ng TVJ trio laban sa Tape, Inc. at GMA.

Ang Tape, Inc. na pag-aari ng mga Jalosjos ang producer ng Eat Bulaga.

Upon receipt of the court decision, alas singko ng hapon nang mag-Facebook live ang tatlo.

Nagkataong nasa TV5 Media Center pa sila kaugnay ng pagpupulong sa mga plano ng E.A.T. ngayong 2024.

Gamit ng TVJ ang set ng E.A.T. as the court decision in favor of them was read.

Ani Vic, tiyak daw na magtataka ang mga viewers kung ano ang kanilang ginagawa ng mga sandaling ‘yon.

“Hindi kami kakanta o magbebenta ng produkto,” pabirong bungad ni Bossing.

Kumpleto raw ang kanilang puwersa dahil nais lang daw nilang ibahagi ang nilalaman ng naturang court decision.

After reading it, pagmamalaking sabi nila: “Atin talaga ang Eat Bulaga!”

Samantala, natanggap at nabasa na rin daw ni Atty. Maggie Abraham-Garduque ang desisyon ng Marikina RTC.

Aniya, noon pa palang December 22 last year ‘yon na ini-release lang nitong January.

Si Garduque ang legal counsel ng Tape, Inc.

Aniya, iaapela raw nila ang kaso. Ronnie Carrasco III

Previous article4 Filipino law expert pasok bilang arbitrators sa PCA
Next articleDOJ: Pagpasok ng ICC sa Pinas ‘di makumpirma ng BI