Home NATIONWIDE DOJ: Pagpasok ng ICC sa Pinas ‘di makumpirma ng BI

DOJ: Pagpasok ng ICC sa Pinas ‘di makumpirma ng BI

MANILA, Philippines – Hindi pa rin masabi ng Department of Justice kung may nakapasok ng tauhan ng International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas para simulan ang imbestigasyon sa drug war campaign ng Duterte administration.

Ayon kay Justice Undersecretary Mico Clavano nakipag-ugnayan na ang DOJ sa Bureau of Immigration (BI) at mismong si Commissioner Norman Tansingco ang nagsabi na hindi nila makukumpirma kung nasa bansa na ang mga nabangit na dayuhan.

Sakaling may mga dumating sa bansa ay naman aniya magpapakilala ang mga ito na taga ICC.

Hinimok naman ni Clavano si dating Predidential spokesperson Atty Harry Roque na makipag-ugnayan sa kagawaran patungkol sa isiniwalat na impormasyon na nasa Pilipinas na ang mga imbestigador ng ICC.

Kung may hawak na impormasyon si Roque sa ICC investigators na nandíto sa Pilipinas dapat aniya ay mag-reach out si sa kagawaran.

Paniwala naman ni Clavano, maaari aniyang kulang pa ang impormasyon na hawak ni Atty Roque at maaaring nagsasagawa pa rin ito ng verifications.

Ngunit dinagdag ni Clavano na hindi naman isyu kung nasa bansa o wala pa sa Pilipinas ang ICC probers.

Sinabi ni Clavano na masyado nang nagagamit sa political arena ang usapin ng ICC.

Nilinaw ni Clavano na ang focus ngayon ng DOJ ay ang hustisya na dapat makamit matapos ang drug war.

Pinalalakas pa aniya ng DOJ ang case build up laban sa mga inirereklamong sangkot sa drug war. Teresa Tavares

Previous articleKorte pumanig sa TVJ; Eat Bulaga! bawal nang gamitin ng TAPE, GMA
Next articleNGCP rates pinare-reset ni PBBM sa ERC sa pagbagsak ng Panay grid