Home NATIONWIDE NGCP rates pinare-reset ni PBBM sa ERC sa pagbagsak ng Panay grid

NGCP rates pinare-reset ni PBBM sa ERC sa pagbagsak ng Panay grid

MANILA, Philippines – IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Energy Regulatory Commission (ERC) na kaagad na i-reset ang rates ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), kung saan isinisisi nito ang pagbagsak sa Panay sub-grid ang naranasang blackout sa isla ng Panay kamakailan.

Ang pag-reset sa rate ay naglalayong tiyakin na sumunod ang NGCP sa obligasyon nito. Kabilang na aniya rito ay ang pagpapanatili ng katatagan ng grid.

“The National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) had a crucial two-hour window to prevent the system collapse, as highlighted by the Independent Market Electricity Operator of The Philippines or IMEOP,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang video message araw ng Biyernes.

Pagpapatuloy pa nito “Accountability lies with the NGCP. They are tasked with grid stability. Stability involves proactive responses to breakdowns and unexpected events, a duty that NGCP unfortunately has not fulfilled adequately.”

Ayon sa Punong Ehekutibo, bagamat naibalik na ang suplay ng kuryente, nangyari na aniya ang danyos. “The situation has caused significant hardship to our people, crippling businesses, compromising livelihoods and endangering those in need of healthcare.”

Tinuran pa ng Pangulo na nalugi ang mga negosyo sa Western Visayas dahil na rin sa naturang blackout.

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na hindi naagapan ng NGCP ang malawakang power outage sa kabila ng crucial 2-hour window nito.

Nangyari na rin aniya ang insidente sa naturang lugar noong Abril 2023 kaya’t nangako ang NGCP na hindi na mauulit ang insidente dahil tinatapos na ang Panay-Negros-Cebu interconnections sa pagsapit ng Agosto 2023.

Paliwanag ng Pangulo, hindi natupad ang pangako ng NGCP at naulit ang insidente nitong Enero.

“I have also directed the ERC to complete the reset of NGCP’s rates without further delay, to ensure NGCP’s compliance with its statutory and regulatory obligations, and to defend in no uncertain terms against any attempt to defer, delay, or prevent the implementation of regulatory measures,” ayon kay Pangulong Marcos.

Idinagdag pa ni Pangulong Marcos na nagsisikap na ang gobyerno upang ito ay masolusyunan. Kris Jose

Previous articleDOJ: Pagpasok ng ICC sa Pinas ‘di makumpirma ng BI
Next articlePAGASA: 56 probinsya masasapul ng El Niño sa Abril 2024