Home HOME BANNER STORY PAGASA: 56 probinsya masasapul ng El Niño sa Abril 2024

PAGASA: 56 probinsya masasapul ng El Niño sa Abril 2024

MANILA, Philippines – Maaaring tumagal pa ang El Niño phenomenon kaysa sa inaasahan at maaaring makaapekto sa kabuuang 56 na probinsya sa Abril, ayon sa weather bureau PAGASA.

Sinabi ng PAGASA sa pagtatapos ng Enero, nasa 14 na lalawigan ang inaasahang makakaranas ng dry spell.

Karamihan sa mga apektadong lugar ay mga agricultural province sa Northern at Central Luzon tulad ng Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Cagayan, at Nueva Ecija.

“‘Yung mga areas na already experiencing dry spell during the past few months siya yung pwedeng magtuloy-tuloy,” ani PAGASA Climate Monitoring and Prediction Chief Ana Solmoro Solis.

“As high as 40 degrees (Centigrade) sa may parte ng Northern Luzon area,” dagdag pa ni Solis.

Hindi bababa sa 27 probinsya ang maaapektuhan ng El Niño sa Pebrero. Maaari itong tumaas sa 44 sa Marso at maaaring umabot sa 56 sa Abril.

Maaaring ito na ang pinakamainit na panahon sa bansa, partikular sa Northern Luzon. Mararamdaman ito sa pagtatapos ng 2023. Santi Celario

Previous articleNGCP rates pinare-reset ni PBBM sa ERC sa pagbagsak ng Panay grid
Next articleTESDA: 1.2M tech-voc grads, 872K certified workers sa 2023