MANILA, Philippines – Tinatayang umabot na sa mahigit 1.2 million graduates ng technical vocational education and training (tech-voc) courses at 872,016 ang nakatanggap ng sertipikasyon bilang skilled workers noong 2023.
Iniulat ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na may kabuuang 1,222,330 graduates ang halos kapareho ng pigura ng tech-voc 1.2 million graduates noong 2022.
Enero ng 2023, inanunsyo ng TESDA na target nito ang 1.8 million enrollees para sa nasabing taon. Gayunman, 1,414,267 lamang ang nag-enroll base sa data ng TESDA “as of Nov. 30, 2023.”
Iniulat din ng TESDA na 935,978 ang nag-apply para sa sertipikasyon at 93% naman o 872,016 mula sa nabanggit na bilang ang sertipikado bilang skilled workers.
Nauna rito, inanunsyo ng TESDA na 9 mula sa 10 graduates noong 2022 ang nakakuha ng sertipikasyon.
“Yet another proof of TESDA’s pursuit of innovation and excellence in TVET (Technical and Vocational Education and Training) is the adoption of the extended reality (XR) technology in the implementation of training and assessment,” ayon sa TESDA.
Matatandaang, patuloy na nakikipag-ugnayan ang TESDA sa public at private sectors noong 2023 kabilang na rito ang pagpapalabas sa TVET system at palawakin ang naaabot ng TESDA.
Ayon sa TESDA, pumirma ito ng “partnerships” sa Clark Development Corporation, Department of Tourism, National Commission on Muslim Filipinos, Bureau of Jail Management and Penology, Philippine Coast Guard, National Commission on Indigenous People, Department of Justice Parole and Probation Administration, and National Housing Authority, San Miguel Corporation, Nestle Philippines, People Management Association of the Philippines, Coca-Cola Philippines, at Microsoft Philippines among others.
“TESDA shall expand the role of TVET at all fronts and be a catalyst for creating jobs and community enterprises and empowering individuals and improving their quality of life,” ayon kay TESDA Secretary Suharto Mangudadatu. Kris Jose