Home HOME BANNER STORY ‘Paluwagan’ scheme ng isang kompanya ibinabala ng SEC

‘Paluwagan’ scheme ng isang kompanya ibinabala ng SEC

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Securities and Exchange Commission (SEC) sa publiko laban sa isang ‘paluwagan’ scheme ng isang kumpanya na hindi rehistrado at walang lisensya para mangolekta ng pera.

Ang babala ay inilabas ng SEC laban sa BNY PAL & Trading Benta Paluwagan matapos makatanggap ng mga reklamo mula sa ilang investors.

Base sa ulat, mahigit 100 investors ang nakapagbigay ng milyon kung saan isa pa sa investor ang nakapagbigay ng P100 milyon.

Mas marami ring tao ang naengganyo na sumali at tumaas ang mga rate ng interes.

Inimbestigahan na ng Pasig Criminal Investigation and Detection Group ang kumpanya kasunod ng mga reklamo.

Kasalukuyang nangangalap ang Pasig CIDG ng ebidensya bago magsampa ng reklamo laban sa kumpanya.

Hinimok ng SEC ang publiko na magbigay ng karagdagang impormasyon sa scheme ng kumpanya.

Nagbabala rin ito na maaaring maharap ang mga may-ari nito sa mga kaso para sa posibleng paglabag sa Financial Products and Services Consumer Protection Act. RNT