Home ENTERTAINMENT Urian spox, dedma sa pagbebenta ni Jiro ng trophy!

Urian spox, dedma sa pagbebenta ni Jiro ng trophy!

Manila, Philippines – Isa sa mga old-time members ang kapita-pitagang si Butch Francisco ng Gawad Urian.

The said award-giving body is principally composed of highly respected and credible film critics.

May impression nga in showbiz circles na sinasadyang maging “paiba” ang Urian in terms of their choices sa mga winners in major categories.

Anyway, noong nakaraang Urian awards night ay si Butch ang nagsilbing host nito.

Butch also gets to write anything and everything about Urian in his online column titled The Butcher.

Of late, nasa news ang Urian if only for its Best Actor winner Jiro Manio.

Nakamit ng dating aktor ang nasabing parangal para sa pelikula ni Maryo J. de los Reyes na Magnifico noong 2000.

Apparently cash-strapped, napilitang ibenta ni Jiro ang kanyang Best Actor trophy kay Boss Toyo.

Na-feature ‘yon sa vlog ni Boss Toyo na Pinoy Pawnstars.

Upon the prodding ng kanyang kapatid, nais ibenta ‘yon ni Jiro sa halagang P1M.

Obyus na namahalan si Boss Toyo na tinawaran ang trophy nang P50k.

Ang ending: nagkasarahan sina Jiro at Boss Toyo ng transaksyon.

Boss Toyo bought Jiro’s acting trophy at P75k.

Naitanong tuloy kay Butch kung ano ang kanyang reaksyon being the member of Urian.

Ani Butch, nowhere daw in their group’s constitution and bylaws is stated na bawal ibenta ng sinumang winner ang kanyang tropeo.

“Overpriced pa nga ‘yon, eh!” Butch said of the trophy na ibinenta ni Jiro.

Pahabol ni Butch, baka raw interesadong bilhin na rin ni Boss Toyo ang iba pang nakatambak na tropeo ng Urian.

Meant as a joke, of course, wari’y nauunawaan ni Butch why Jiro had to sell his trophy.

Gaya nga ng naiulat namin dito sa Remate Online: aanhin mo ang parangal kung ang sikmura mo nama’y umaangal?

In short, it all boils down to the law of economics. Ronnie Carrasco III