Home ENTERTAINMENT Kim, may pasabog kay Xian!

Kim, may pasabog kay Xian!

Manila, Philippines – Obyus na hypothetical lang ang inilatag na argumento ni Cristy Fermin sa kanyang radio program.

May kinalaman ito sa umano’y nakaambang pasabog ni Kim Chiu laban sa dating nobyong si Xian Lim.

Labindalawang taon ding magkasintahan sina Kim at Xian until they broke up bago naghiwalay ang taon.

Apparently, the breakup was a mutual decision.

Ipinapalagay naman ng marami na ang pagkainip ni Kim ang umano’y dahilan sa likod ng kanilang breakup.

It appears kasi na walang plano si Xian sa kung ano ang gusto niyang mangyari sa kanila ni Kim.

Was Xian determined to marry his fiancee of 12 years?

Tila mahirap i-address ang katanungang ito.

Samantala, binalikan ng programa ni Cristy ang romantic past ni Kim.

Bago si Xian ay naging nobyo muna ni Kim si Gerald Anderson who’s Julia Barretto’s current flame.

Sa kabila raw kasi ng pagkabuwag ng KimErald (portmanteau ng pinagsamang Kim at Gerald), ni minsan daw ay hindi siniraan ng Chinita Princess ang aktor.

In showbiz circles, kilalang marespeto raw si Kim.

Pero posible raw magbago ang public impression kay Kim once magdesisyon itong i-“detonate” ang bomba laban kay Xian.

Pagtitiyak ni Cristy, sa oras daw na ilantad ni Kim ang kanyang matinding pasabog na slyang dahilan ng kanilang breakup ay lagot daw si Xian.

Bagama’t hindi tuwirang binanggit o nagbigay ng clue si Cristy tungkol sa napipintong pasabog na ‘yon, pumupusta siya na ‘yun ang magiging “the end” sa career ni Xian.

Walang dudang Cristy is simply playing with “ifs” and “buts” o likely scenario na tila malabong gawin ni Kim.

Natuldukan man ang kanilang relasyon, 12 years is 12 years kahit ano pa ang sasabihin.

Is Kim willing to stake her good name bilang marespetong tao para siraan ang dating nobyo?

After all, Kim and Xian shared happier times.

Gugustuhin ba ni Kim na maging bitter sa kanilang hiwalayan, or would she rather choose to move on?

Haist! Ronnie Carrasco III

Previous articleUrian spox, dedma sa pagbebenta ni Jiro ng trophy!
Next articleJiggy Manicad, eere na sa TV5!