Home ENTERTAINMENT Jiggy Manicad, eere na sa TV5!

Jiggy Manicad, eere na sa TV5!

Manila, Philippines – Mula sa pagretiro ay magbabalik ang batikang broadcaster journalist na si Jiggy Manicad.

Kung matatandaan ay 2015 yun nang nag-retire si Jiggy sa GMA7 at saka sumubok pumalaot sa politika.

Ngayon ay hindi siya sa Kapuso magbabalik kundi sa TV5.

Early 90’s ‘yun nang nagsimula si Jiggy sa broadcast industry sa ABS-CBN hanggang sa napunta siya sa Kapuso.

And when he thought na nagwa na niya ang lahat ay naisipan niyang mag-retire to focus on his family.

In his retirement ay na-focus din si Jiggy sa pagba-bible study, the reason why he is giving all of his decision making to the Lord.

It was in the middle of last year when TV5 reached out to Jiggy and asked him na bumalik sa broadcasting.

And to make the long story short, nakipag-meeting si Jiggy sa TV5 boss na si Ms. Luchie Cruz until everything is settled.

Sa Lunes, January 8, 2024 ay ang pagsisimula ni Jiggy bilang news anchor sa Frontline Pilipinas sa News5.

Ayon sa TV5 releases, “Expect Jiggy to bring his remarkable passion and dedication for fearless and in-depth news coverage back to the forefront of journalism in his return to news and current affairs. Viewers will once again witness his unwavering commitment to inform, inspire, and give voice to the voiceless.”

Very much welcome naman si Jiggy sa Frontline Pilipinas, recognizing his credibility and enthusiasm which is aligned with the program’s commitment to deliver unbiased and comprehensive news coverage on national television.

Makakasama ni Jiggy sa Frontline Pilipinas sina Julius Babao at iba pa.

“Nag-request lang ako kay Mam Luchie na sa Tuesday, January 9, e, mag-field ako para sa coverage ng Translasyon ng Itim na Nazareno. Pumayag naman siya.

“Nasanay na kasi ako na nasa field and ako yung nagsusulat and nagpo-produce ng segment ko,” sabi pa niya.

Although Jiggy is a veteran in his field of expertise, he is willing to listen to newbies dahil alam niya na marami rin siyang matututunan sa mga ito.

Goodluck, Jiggy! JP Ignacio