Manila, Philippines- Nakakatuwa naman si Aiko Melendez.
Kahit malungkot siya dahil inanod ng baha ang kotse ng anak niyang si Andrei, na-trap sa bahay at naubos ang gamit ng ilan sa kanyang staff sa Team AM dahil sa bagyong Carina, ay tuloy pa rin ang pagtulong niya sa kanyang constituents sa District 5 ng Quezon City.
Post niya sa kanyang FB account: “Lahat po tayo ay nahaharap muli sa isang matinding pagsubok. Hindi po kayo nag-iisa.
“Wala sa antas ng pamumuhay ang pagsubok. Kaninang umaga po pinilit po namein habulin ang inaanod na kotse ng aking anak na si Andre Yllana subalit wala din po kaming nagawa kundi ang magdasal. Materyal na bagay lang ang sasakyan. Ang mahalaga ngayon ay walang masaktan at nasasaktan.
“Kalahati sa aking team ay natrap po sa kanilang mga bahay, ubos ang gamit. Kaya po iilan lang po kami ang makakaikot upang maghatid ng tulong.
“Hindi po kami panghihinaan ng loob dahil tao muna bago ko harapin ang sariling problema po.
“‘Yan ang mga bagay na pinagbago ng aking buhay na ako ay isang public servant, gusto ko man akapin ang anak ko sa lungkot nya sa kanyang sinapit ay meron akong mas malaking obligasyon sa aking distrito. Nakahanda na po ang aking team na hindi man kumpleto pero buo ang loob sa pagtulong! Makakayanan po naten ito.” Rommel Placente