Home HOME BANNER STORY Krimen bumaba sa Safer Cities Program – PNP

Krimen bumaba sa Safer Cities Program – PNP

110
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine National Police (PNP) ang pagbaba ng mga krimen laban sa mga tao habang bahagyang tumaas naman ang kaso ng pagnanakaw sa ikalawang linggo ng implementasyon ng Safer Cities program ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Kabilang sa crimes against persons ang murder, homicide, physical injury, at rape.

Ayon kay PNP Director for Operations Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones, “With the implementation of our Safer Cities initiative… crimes against persons has dropped.”

Batay sa datos, bumaba ng 39.3% ang homicide cases mula Abril 6–14 kumpara sa Marso 28–Abril 5. Bumaba rin ang physical injury cases ng 22.7%, rape ng 22.9%, at murder ng 9.8% sa parehong panahon.

Gayunman, tumaas ng 1.5% ang kaso ng theft sa kaparehong period.

“The PNP is continuously revisiting our interventions on how to stop these incidents,” ani Peñones.

Ang Safer Cities initiative na inilunsad noong Abril 6 ay naglalayong higpitan ang pagpapatupad ng mga local ordinances tulad ng pagbabawal sa pag-inom sa pampublikong lugar, paglalakad nang walang pang-itaas, paggamit ng karaoke lampas 10 p.m., at curfew para sa mga menor de edad.

Umani ito ng batikos matapos mapatawan ng multa ang isang residente sa Mandaluyong na walang damit habang nag-aayos ng semento sa kanilang bahay. Humingi na rin ng paumanhin si DILG Secretary Jonvic Remulla at sinabing rerepasuhin ang programa.

“Our implementation should be rights-based,” dagdag ni Peñones.

Sa ulat, umabot sa 6,332 ang nahuli o naitala na violators noong Abril 15, mas mababa sa 9,751 daily average noong unang linggo ng rollout.

Pinakamaraming violation ang public drinking (1,588), kasunod ang curfew violations (438), loitering topless (199), at paggamit ng karaoke lampas 10 p.m. (46), habang 4,061 naman ang ibang paglabag sa local ordinances.

Sa kabuuan, 3,377 ang pinayuhan at pinalaya, 2,843 ang pinagmulta, at 112 ang kinasuhan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here