Home ENTERTAINMENT Kris at FL, spotted sa isang mesa!

Kris at FL, spotted sa isang mesa!

297
0

Manila, Philippines- Dalawang magkaibang political color sa iisang salu-salo.

Ganito tumambad sa mga netizens ang larawan ni Kris Aquino at First Lady Liza Araneta-Marcos na nag-viral kamakailan.

Kuha ang litratong ‘yon at iba pa sa birthday lunch ng kanilang common designer friend na si Michael Leyva.

Si Michael ang nagdisenyo ng yellow gown ni Kris na isinuot niya sa Crazy Rich Asians sa Hollywood noong 2016.

Si Michael din ang nasa likod ng disenyo ng gown ng Unang Ginang sa State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos nitong August 2025.

Marami ang hindi nakakaalam na magkamag-anak si Kris at si Liza.

Kung matatandaan, July last year nang dalawin ng magkapatid na Joshua at Bimby ang kanilang Tita Liza.

Ang pagiging magkasama nila sa photo sharing the same table ay nangangahulugan lang na magkaiba man sila ng kulay sa pulitika ay hindi dahilan ‘yon para hindi magkaroon ng light moments catching up with each other.

Sa comment section, partikular na pinansin ng mga netizens ang nag-improve nang hitsura ni Kris.

Ang okasyong ‘yon ay ilang buwan pagkatapos ng kanyang isolation bunsod ng kanyang autoimmune disease.

Dalangin ng mga netizen ay mapadalas na sana ang paglabas-labas ni Kris in public kasabay ng lalo pang pagbuti ng kanyang kalagayan. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here