Manila, Philippines- Panay na uli ang rampa ni Kris Aquino, thanks to her health condition which is getting better these days.
Huling namataan si Kris na dumalo sa pasorpresa niyang birthday dinner sa makeup artist na si Jonathan Velasco nitong September 25.
The affair kung saan kasama ni Kris ang kanyang mga anak na si Joshua at Bimby ay idinaos sa isang posh restaurant sa San Juan.
Base sa awra ni Kris, mapupunang maaliwalas ang disposisyon nito.
Bukod sa nagkakalaman na ang noo’y humpak niyang pisngi ay maganda pa ang kanyang pangangatawan.
Netizens are simply too happy seeing Kris in her condition.
Panalangin nila, sana’y magtuluy-tuloy na ito.
Matatandaang nitong unang linggo ng September ay sumailalim si Kris ng dalawang medical procedure sa St. Luke’s Medical Center.
Nakasira lang ang fake news na kumalat kamakallan tungkol sa kanyang “pagpanaw.”
Hindi ‘yun ang unang beses that Kris was reported to have passed on–na obyus namang ang may kagagawan ay ang mga taong walang magawang matino sa buhay kundi pagkakitaan ang mga ganitong balita for the sake of monetized views.
Dahil papabuti na nga ang kalagayan ni Kris ngayon, eh, ‘di pahiya ang mga fake news purveyors! Ronnie Carrasco III