Home ENTERTAINMENT Kris, gusto sanang umayuda sa mga typhoon victims!

Kris, gusto sanang umayuda sa mga typhoon victims!

Manila, Philippines- Mismong ang trusted friend ni Kris Aquino na si Dindo Balares ang nagbahagi ng latest update tungkol sa Queen of All Media.

Of late, ayon sa dating tabloid editor ay ikinonfine si Kris sa Makati Medical Center.

May medical procedure daw kung saan kinailangang sumailalim si Kris.

Sadya rin daw siyang tinawagan ni Kris na inisip ang kalunus-lunos na kababayan ni Dindo sa Bicol region.

Ang Bicol ang pinakahinagupit ng bagyong Kristine.

Napaisip nga si Dindo na sa halip na si Kris ang pasayahin sa pinagdadaanan nito’y naisip pang

mag-abot ng tulong sa mga nasalanta.

Ani Dindo, kung nagkataong maayos daw ang kalagayan ni Kris, tiyak na isa rin siya sa llang celebrities na hindi nagkait ng tulong para sa mga typhoon victims.

Nangako si Dindo na ang kasunod niyang post ay tungkol sa latest confinement ni Kris.

Ang nobyo ni Kris na si Dr. Mike Padlan ay kilalang doktor sa nasabing pagamutan.

Kumpiyansa si Kris sa kakayahan nito lalo’t kabisado nito ang nature ng kanyang medical case.

Harinawang positibo ang isinagawang medical procedure kay Kris.

Mauunawaan naman siguro ng mga kababayan natin sa Bicol kung sa pagkakataong ito’y hindi muna makapagbibigay ng ayuda si Kris gustuhin man niya. Ronnie Carrasco IIi