Home ENTERTAINMENT Rufa Mae at asawa, hiwalay na?ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Rufa Mae at asawa, hiwalay na?November 4, 2024 13:18 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Harinawang pangkaraniwang sigalot lang ng mag-asawa ang namamagitan kina Rufa Mae Quinto at Trevor Magallanes.Ito ang ipinagdarasal ng kanilang malalapit na kaibigan na lubos ang pagkalungkot sa sitwasyon ngayon ng couple.For her part, hindi nagpapaunlak–or not yet at the moment–si Rufa Mae ng panayam.Isa lang naman ang gusto nilang itanong sa comedienne–may problema ba sila ni Trevor?Eto na naman kasi tayo…Ginagamit nang panukat o basis ng isang tagilid na relasyon ang social media.Kung ang isa sa mga partido ay nag-unfollow, malamang something’s wrong.Sa kaso nina Rufa Mae at Trevor, hindi na pina-follow ng huli ang komedyana sa Instagram.Kumustahin mo ang IG ni Trevor, you’ll be surprised to see his photos with their child together.Makikita rin ang mga larawan ni Trevor kasama ang kanyang mga kaanak.Sad to say, wala doon ni isa man lang picture nila ni Rufa Mae na magkasama.Tell-tale sign ba ito na on the verge of breakup ang kanilang estado?Buong akala pa naman ng marami’y may blessing mula kay Trevor ang pananatili rito ni Rufa Mae to fulfill her showbiz commitments.Again, here’s hoping that whatever stands between the couple ay plain and simple spat lang ‘yon.Huwag na silang dumagdag sa humahabang listahan ng mga separated couples! Ronnie Carrasco IIi