Home ENTERTAINMENT Kris, na-off balance sa banyo, napuruhan!

Kris, na-off balance sa banyo, napuruhan!

California, USA – Salamat kay Bimby na itinuturing na real-life hero ng kanyang inang si Kris Aquino.

Nagbigay kasi ng latest updates ang Queen of All Media tungkol sa kanyang sarili.

First of a few things ay ang kanyang kalusugan.

Ani Kris sa kanyang confidante na si Dindo Balares: “Allergens still in my body!”

Biglang kambyo naman si Kris na idinadaan sa mga dasal ang nararanasan.

But Kris takes pride in having no wrinkles, bilang sagot sa komento ni Dindo na she looks glowing.

Ipinagdarasal din ni Kris ang ‘di kagandahang latest blood results niya: “Laban lang!”

Pero may pambawi naman siya dito sa pamamagitan ng mahaba at restful sleep niya, dahilan kung bakit mas kinakikitaan siya ng sigla ng katawan.

‘Yun nga lang, may masaklap siyang karanasan sa banyo.

Kuwento ni Kris, na-out of balance daw siya.

Napuruhan tuloy ang kanyang siko’t tuhod.

Good thing, agad siyang humingi ng saklolo kay Bimby who got off his bed.

Wala raw limang segundo’y dumating si Bimby sa banyo at nasapo ang ina who could have sustained a more serious injury kung tumama siya sa marble wall.

Abut-abot ang pasasalamat ni Kris kay Bimby who she calls “my hero.” Ronnie Carrasco III