Home ENTERTAINMENT Kris, na-resked ang hospital confinement!

Kris, na-resked ang hospital confinement!

Los Angeles, USA- Kris Aquino’s supposed hospital confinement kamakailan didn’t go as planned.

Dapat sana’y nakatakdang i-admit ang Queen of All Media sa UCLA Hospital over the week.

Ito ang dahilan kung bakit nagpaiwan sa LA si Bimby.

Tanging si Joshua lang ang umuwi at sinundo ng designer-BFF ni Kris na si Michael Leyva from NAIA.

Mismong ang nobyo ni Kris na si Batangas Vice Governor Marc Leviste ang nagbalitang ire-reschedule ang admission ni Kris.

Marc flew in nights ago, even had lunch with Joshua kasama ng kanyang mga anak.

Kasama ring nananghalian ang security personnel assigned to Joshua.

Ani Marc, naudlot ang confinement ni Kris pending receipt of the results of her blood tests.

To make matters worse, nagdeklara ng Covid alert sa UCLA Hospital.

Walang choice but to make Kris pack her things pabalik ng kanyang tinitirhan sa Orange County.

Matatandaang sa paglalarawan mismo ni Kris sa panayam ni Boy Abunda sa Fast Talk noong

February 14 (also Kris’ 53rd birthday) ay crucial ang confinement na ‘yon para sa kanya.

In a sense, Kris was saying na “last ditch effort” ‘yon to address her illness.

Willing namang sumugal si Kris dahil sabi nga niya: “I refuse to die!”

Wala pang pasabi si Marc kung kailan siya nakatakdang bumalik sa LA to personally attend to Kris during her hospital stay.

As expected, larawan ng isang mapagmahal at supportive boyfriend si Marc who gets along well with Joshua habang narito. Ronnie Carrasco III

Previous articleDavao Occidental niyanig ng M-5.0 na lindol
Next articleQuiboloy muling pinatawan ng contempt ng Senate panel