Home ENTERTAINMENT Kris, pinalipas ang bday ni Bimby, isisiwalat muli ang health condition!

Kris, pinalipas ang bday ni Bimby, isisiwalat muli ang health condition!

Los Angeles, USA – Kapwa dressed in pink, finlex ni Kris Aquino ang litrato nila ng anak na si Bimby na nagdiwang ng kanyang 17th birthday.

Magkayakap ang mag-ina habang may mga balloons sa background.

Kasabay nito’y ang mahabang post ni Kris na nagpapasalamat kay Bimby for taking care of her as she’s going through life in LA.

Mas pinili nga naman kasi ni Bimby na manatili roon rather than come home para alagaan siya.

Mismong si Kris na rin ang nagsabing ayaw niyang i-spoil ang dapat masayang araw sa buhay ng anak.

Palilipasin lang daw muna niya ang kaarawan nito at ibabahagi niya ang kanyang tunay na kundisyon.

Kay Kris na rin mismo nanggaling na meron siyang limang uri ng autoimmune diseases, three of which are life-threatening.

At sa pinagdadaanan daw niya ngayon, nangangamba ang Queen of All Media na baka hindi na niya abutan kapag nagdisiotso anyos na si Bimby.

Ani Kris, her heart just overflows with love and gratitude toward Bimby na tinawag niyang guardian angel na dumating noong April 19, 2007.

At age 11, doon na raw nagsimulang maging protective si Bimby of his mom.

Wala ngang pagsidlan ang pagmamahal ni Kris for Bimby na alay niya not only during their lifetimes “but for eternity.”

Gumamit pa si Kris ng mga adjectives na “strong, admirable and unchanged” to aptly describe Bimby’s character through the years.

Habang sinusulat ito’y wala pa kaming nasasagap na balita kung nagpadala rin ng pagbati ang ama ni Bimby na si James Yap, by phone or through social media. Ronnie Carrasco III