Home ENTERTAINMENT Dominic, sumikat nang nahiwalay kay Bea!

Dominic, sumikat nang nahiwalay kay Bea!

Manila, Philippines – Let’s face it, dati-rati’y kabilang lang si Dominic Roque sa breed ng mga “da who.”

This was even during his relationship with Bea Alonzo.

Kahit nakadikit ang pangalan ni Dom kay Bea, his name hardly rang a bell.

Naging kilala man siya, but there’s a glaring difference between “kilala” and “sikat.”

Definitely, Dom wasn’t the latter.

Pero ano ka’t naging bukambibig na ang pangalan ni Dom pagkatapos nilang maghiwalay ni Bea, at ngayon nga’y napababalitang nagkabalikan.

His rise to fame became so fast, even upstaging his former girlfriend!

Sa katunayan, nagka-career bigla si Dominic.

Isang patotoo ang request ng ibang nakakakita sa kanya sa labas na magpa-selfie.

Dom is out most of the time on business meetings with his bigtime clients.

Event planning ang raket ni Dom in partnership with his friends.

When seen outdoor, walang fans ang hindj gustong makapagpa-selfie kasama siya.

Magiliw namang pinauunlakan ni Dom ang mga ito which makes him even more lovable.

Marami tuloy ang nagsasabing mas nakuha pa ng guwapong entrepreneur ang public sympathy after his breakup with Bea.

Samantala, nagkagulo ang mga netizens sa promotional photo ni Bea sa Bash Manila sa Instagram.

Ang Bash Manila ay store ng sariling brand ng aktres.

Nagkagulo ang netizens in the sense na napansin nilang suot-suot na uli ni Bea ang kanyang engagement ring.

Ni-like pa ni Dom ang post mismo ni Bea.

So, what does this mean: tuluyan na nga ba silang nagkabalikan?

If so, will their wedding push through as planned? Ronnie Carrasco III