Home ENTERTAINMENT Church wedding nina Angelica at Gregg, nabisto!

Church wedding nina Angelica at Gregg, nabisto!

158
0

Manila, Philippines – Magiging “under wraps” na sana ang pinaplanong church wedding nina Angelica Panganiban at Gregg Homan kung hindi binisto ng isang skin doctor.

Nagkataon kasing isa sa mga endorsers ng skin clinic ni Dr. Aivee Teo ay si Angelica.

The lady doctor took to Instagram and posted how excited she is sa muling pag-lisang dibdib ng mga magulang ni Amila Sabine or Baby Bean.

The Homan couple is eyeing a private venue on Siargao island para pagdausan ng kanilang kasal.

The wedding will reportedly take place in May.

Matatandaang ikinasal sina Angelica at Gregg under civil rites sa Amerika noong 2023.

Itinuturing na significant ng aktres ang petsa ng kanilang civil wedding dahil sinadya nila itong itapat sa New Year’s Eve as in 123123 noong isang taon.

Hindi na raw kasi mauulit ang sequence ng mga numerong ‘yon.

At dahil civil wedding, Angelica opted to be with her immediate family only.

Ibig sabihin, eksklusibo lang ‘yon sa kanyang pamilya kaya lumalabas na “unwelcome” ang presence ng mga close showbiz friends niyang sina Kim Chiu at Bela Padilla na nagsadya pa sa Amerika.

Nahihiya raw kasi si Angelica na baka magtampo ang ilan sa mga kaibigan niya who she didn’t invite.

Abangan na lang ang exaxt altar date ng couple at ang bubuo ng kanilang wedding entourage! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here