Home HOME BANNER STORY Piso sumadsad sa 17-month low, nagsara sa P57.65:$1

Piso sumadsad sa 17-month low, nagsara sa P57.65:$1

MANILA, Philippines – Nagpatuloy pa ang pagsadsad ng Philippine peso sa ikapitong sunod na palitan ngayong Biyernes, Abril 19.

Ito na ang pinakamababa sa loob ng 17 buwan.

Nagsara ang palitan ngayong Biyernes sa P57.65:$1 mula sa halaga nitong Huwebes na P57.19:$1.

Pinakamababa ito ng piso mula nang magsara ito sa P57.375:$1 noong Nobyembre 22, 2022.

Ito rin ang bagong 17-month low para sa local unit mula noong Nobyembre 10, 2022 nang magsara ito sa P58.19:$1. RNT/JGC