BACOLOD CITY- Tigok sa pamamaril ang isang kubrador dahil sa hindi pagkakaunawaan sa pagitan niya at ng isang mananaya sa isang perya sa Barangay Guimbala-on, Silay City, Negros Occidental nitong Miyerkules.
Kinilala ng mga awtoridad ang nasawi na si Allan Tamparong, 34, ng Binalbagan, Negros Occidental.
Sinabi ni Police Lt. Col. Mark Anthony Darroca, Silay police chief, naglalaro si Pedrito Penafiel nang magkaroon umano sila ng mainit na argumento ng biktima dahil sa taya.
Binaril umano ng suspek ang biktima bago ito tumakas.
Natagpuang wala nang buhay ang biktima sa lugar na may ilang tama ng baril. Patuloy ang imbestigasyon ukol dito. RNT/SA