Home ENTERTAINMENT Kuh, hindi naniniwalang malalaos!

Kuh, hindi naniniwalang malalaos!

Manla, Philippines- Ayon sa Pop Diva na si Kuh Ledesma, wala sa bokabularyo niya ang pagreretiro.

Katunayan, kahit kumportable na ang kanyang buhay, never na sumagi sa isip niya ang gumawa ng kanyang “final concert.”

“No. It’s not in the Bible,” ani Kuh.

Gayunpaman, naniniwala naman siyang mahalaga ang pahinga kapag nakararamdam ng pagod.

“Rest in the Lord. Ibig sabihin, magbakasyon ka, read the Scriptures, meditate on the promises of God. Take care of your physical health,” paliwanag niya.

“There are artists na 80 years old, nakakakanta pa,” dugtong niya.

Inilahad din ng beteranang singer na hindi siya takot na malaos.

“Hindi ako malalaos,” kumpiyansang sabi ni Kuh.

“Walang malalaos na may Amang Diyos, na may maganda kang relasyon sa Kanya, sinusunod mo Siya. Malalaos ka lang if you think malalaos ka.

“First of all, you don’t think laos. You always think that doors will open for you. You have to think positive,” ani Kuh.

“For as long as you have your heart in the right place, in whatever you do. At saka when you give, you will receive back eh,” pahabol niya.

Sa isang panayam din, sinabi ng OPM’s Pop Chanteuse na wala na siyang balak na mag-asawa pa.

“Sometimes I think about it, and then I pause and say, ‘Ay Lord kuntento na ako ngayon.’ Kung meron, meron. Kung wala, wala. I am happy eh,” pahayag niya.

“May mga nanliligaw pero talagang hindi puwede,” sabi ni Kuh.

“Pero sinasabi ko, ‘No I’m not missing anything. I’m so content, I’m complete.’ That’s what you call the sufficiency in Christ. He is enough for me. Kung may darating, I fall in love. Okay lang,” pagtatapos niya. Archie Liao

Previous articleIlang lugar sa Metro Manila, Rizal #WalangKuryente sa April 2-7
Next articleNoKor naglunsad ng ‘intermediate-range ballistic missile’