Home NATIONWIDE NoKor naglunsad ng ‘intermediate-range ballistic missile’

NoKor naglunsad ng ‘intermediate-range ballistic missile’

SEOUL- Naglunsad ang North Korea ng hinihinalang intermediate-range ballistic missile sa east coast nitong Martes, ayon sa militar ni South Korea, aksyong kinondena ng prime minister ng Japan.

Lumipad ito ng halos 600 km (372 miles) bago bumagsak sa dagat, base sa South Korea, habang sa pagtataya ng defense ministry ng Japan, saklaw nito ang distansyang 650 km (400 miles) at tumama sa maximum altitude na 100 km (62 miles).

Hindi tinukoy sa pahayag ng South Korea’s Joint Chiefs of Staff ang partikular na uri ng missile, subalit sinusubok ng North ang bagong intermediate-range hypersonic missile na pinagagana ng solid-fuel engine. RNT/SA

Previous articleKuh, hindi naniniwalang malalaos!
Next articleBAGONG PNP CHIEF