MANILA, Philippines — Mahigpit na ipinaalala ni Senator-judge Vicente “Tito” Sotto III sa Senate impeachment court nitong Martes na maikikonsiderang peke ang isang alyas kung walang tunay na taong nasa likod ng isang pangalan na pinagbigyan ng confidential funds.
Sa halos ilang linggong testimonya ng mga testigo sa paglulustay ng mahigit P500 milyong confidential funds na makikita sa lahat ng acknowledgement receipts na nilagdaan ng ilang tao na may kahina-hinalang pangalan na kahalintulad ng kilalang food brand, pariralang Pinoy at kahit lokal na pulitiko tulad ng Escudero, ang lumutang sa pagdinig.
“If there is a person behind the alias, then it is an alias. If there is no person behind the name, it is a fictitious name or a fake name,” ayon kay Sotto sa kanyang manifestation gamit ang Republic Act No. 6085, na namamahala sa mga aliases.
“For the public and for us, the general rule that she mentioned is Republic Act No. 6085, regulating the use of aliases, which only allowed in the Philippines [the use of] pseudonyms, solely for literary, cinema, television and other entertainment purposes,” giit ni Sotto.
Ipinalutang ang naturang batas hinggil sa paggamit ng alyas sa pananalita ni prosecution Mae Divinagracia matapos ipinagtanggol ni Senator-judge Robin Padilla ang aliases na kahit pambansang bayani ang gumagamit ng alyas na pangalan. Ernie Reyes