Home NATIONWIDE Kustodiya ni Tony Yang hiniling ng BI sa korte sa CDO kung...

Kustodiya ni Tony Yang hiniling ng BI sa korte sa CDO kung papayagang makapagpiyansa

266
0

MANILA, Philippines – Hinimok ng Bureau of Immigration (BI) ang Municipal Trial Court (MTC) sa Cagayan de Oro na ibalik sa kanilang kustodiya si Tony Yang kung mapapayagang makapagpiyansa ng korte.

Sa pahayag nitong Sabado, Oktubre 25, sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na ipinadala na ng ahensya ang kanilang request sa MTC Branch 7 sa Cagayan de Oro, sa pagsasabing si Yang “might go into hiding to avoid further legal action.”

“There is a strong concern that he might abscond if released, knowing that he still has a pending case with us,” ani Viado.

Si Yang ay unang naaresto noong Setyembre 2024 sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sa paglabag sa immigration laws.

Napaulat na si Yang, na gumagamit din ng pangalang Yang Jianxin sa kanyang mga dokumento ay nagtataglay ng mga opisyal na dokumento na nagsasabing siya ay Filipino, firearm licenses, at halos P1.4 milyon na cash nang siya ay maaresto.

Napag-alaman din sa imbestigasyon na siya ay gumamit ng pekeng mga pangalang Filipino para makapagtayo ng 12 kompanya sa Cebu, Davao, and Cagayan de Oro, kabilang ang mga mall, rice mills, at steel plant.

Siya ay naaresto sa ikalawang pagkakataon noong Hulyo sa reklamong falsification of public documents, perjury, at paglabag sa batas sa paggamit ng alyas.

Naghain ang National Bureau of Immigration Northern Mindanao ng reklamo laban kay Yang sa falsification of public documents, perjury, at paglabag sa 1936 law na nag-oobliga ng juridical authority bago makagamit ang isang tao ng alyas.

Si Tony ay nakatatandang kapatid ni Michael Yang, dating presidential adviser ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here