MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang toll rate increases para sa Manila-Cavite Expressway (Cavitex), na ipatutupad na sa Oktubre 28.
Sa pahayag, sinabi ng operator ng Cavitex na ang adjustments ay kailangan upang masiguro ang patuloy na maintenance, safety at improvement ng naturang expressway.
Para matulungan naman ang mga apektadong sektor, ang registered public utility vehicles (PUV) at agricultural trucks ay maaari pa ring magbayad ng lumang rate sa loob ng 90 pang araw.
Narito ang mga pagbabago sa toll rate sa Cavitex R1 portion mula Seaside hanggang Zapote:
Class 1: ₱35 ay gagawing ₱39
Class 2: ₱70 ay gagawing ₱78
Class 3: ₱104 ay gagawing ₱117.
Samantala, ang toll increases naman sa Cavitex R1 Extension Segment 4 mula Zapote hanggang Kawit ay ipatutupad sa dalawang tranch ngayong taon at sa 2026.
Ang unang tranch ay:
Class 1: ₱73 patungong ₱88
Class 2: ₱146 patungong ₱176
Class 3: ₱219 patungong ₱264.
Ang hakbang ay sumusunod sa petisyon na inihain ng joint venture partners Cavitex Infrastructure Corp. (CIC) at Philippine Reclamation Authority (PRA) noong 2020 at 2023. RNT/JGC