MANILA, Philippines – Magsisimula na sa Martes, Oktubre 28 ang regular flights sa pagitan ng Kalibo International Airport at dalawang lungsod sa Russia, inanunsyo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (Caap) nitong Sabado, Oktubre 25.
Ayon sa CAAP, ang mga flight ay patatakbuhin ng Iraero Airlines.
Idinagdag pa ng aviation authority na ang mga flight sa pagitan ng Kalibo at Irkutsk at Khabarovsk, at pabalik ay tuwing Martes at Sabado.
Ang unang Iraero Airlines flight mula Irkutsk ay lumapag sa Kalibo International Airport nitong Sabado sakay ang mga turistang Russian.
Ang inaugural flight na ito ay marka ng panibagong yugto sa air connectivity sa pagitan ng Pilipinas at Russia.
Ayon kay Caap Director General retired Lt. Gen. Raul Del Rosario, ang Iraero Airlines flights ay isang milestone para sa regional connectivity, at sinabing ang direct link sa pagitan ng Kalibo at Russia “will not only boost tourism in Western Visayas but also promote cultural and economic exchanges between the two nations.”
Inaasahang makahihikayat ng mas maraming Russian national na turista ang bagong flight.
“Caap is taking proactive steps to future-proof the country’s aviation sector by investing in modern airport infrastructure, sustainable air transport systems, and expanded international partnerships,” ani Del Rosario. RNT/JGC