MANILA, Philippines – Walang nanalo sa Grand Lotto 6/55 at Lotto 6/42 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Sabado, Oktubre 25.
Dahil dito ay hindi pa rin nasusungkit ang P29.7 milyong jackpot prize para sa Grand Lotto 6/55 matapos walang makahula sa winning combination na 49-08-12-29-22-18.
Wala ring nanalo sa Lotto 6/42 draw, sa jackpot prize na P44.2 milyon. Ang lucky combination naman para rito ay 08-32-20-36-05-12. RNT/JGC