Home METRO Kuya patay kay utol sa hidwaan sa bahay

Kuya patay kay utol sa hidwaan sa bahay

Cebu City – Dahil sa away tungkol sa bahay ay napatay ng kapatid ang kanyang kuya sa saksak.

Kinilala ang biktima na si Roberto Astillo, 65-anyos, na dating militar habang naaresto naman ang suspek na si Francisco Astillo, 59-anyos.

Sinabi ni Police Major Romeo Caacoy Jr., hepe ng Mabolo Police Station, dati nang may alitan ang magkapatid patungkol sa bahay.

Nitong Huwebes, Marso 7, muling nagkainitan ang magkapatid na humantong sa pananaksak ni Francisco sa kaniyang kuya.

Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa suspek. RNT

Previous articlePamilyang Filipino sisirain ng diborsyo
Next articleP1.1M nasabat sa durugista