Home METRO P1.1M nasabat sa durugista

P1.1M nasabat sa durugista

103
0

ILOILO CITY – Nasamsam ang nasa P1.1 milyon hinihinalang shabu mula sa isang tulak ng droga sa buy-bust operation sa Barangay Guinticgan, Carles, Iloilo nitong Biyernes, Marso 8.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Payjee, 25.

Sinabi ni Police Major Harold Rendora, hepe ng Carles police, na nahuli si Payjee matapos itong magbenta ng isang sachet ng shabu sa isang undercover na pulis.

Nakuha sa suspek ang kabuuang 22 sachet ng shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 160 gramo.

Sinabi ng pulisya na natanggap ng suspek ang kanyang supply mula sa Iloilo City.

Nahaharap si Payjee sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Drugs Act of 2002. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here