Home METRO 3 nalibing sa buhangin sa bangga ng dump truck

3 nalibing sa buhangin sa bangga ng dump truck

SAN NICOLAS, Ilocos Norte – Patay ang tatlong katao at sugatan ang isang driver matapos mabangga ng isang dump truck na may kargang buhangin ang isang tricycle sa Barangay 23, Santa Cecilia, sa bayang ito, bago magtanghali nitong Biyernes, Marso 8.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Michael Jay Layugan, 33, tricycle driver, at mga pasaherong sina Ricky Lumboy, 20, at Noel Corpuz.

Sinabi ni Police Major Eduardo Santos, hepe ng pulisya, na si Jerwin Mercado, 48, ay nawalan ng kontrol sa manibela ng dump truck at nabangga ang tricycle na pakaliwa.

Nabangga tuloy ng tricycle ang isang nakaparadang tricycle na nakaparada sa gilid ng kalsada.

Ang mga nasawi ay nabaon sa buhangin at dinala sa pinakamalapit na ospital ngunit namatay sila sa daan.

Nasugatan si Mercado at dinala sa ospital. Nahaharap siya sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide at damage to property. RNT

Previous articleP1.1M nasabat sa durugista
Next articleP408,000 shabu nasamsam sa 2 durugista