Home Uncategorized P408,000 shabu nasamsam sa 2 durugista

P408,000 shabu nasamsam sa 2 durugista

BACOLOD CITY- NADAKIP ang dalawang suspek kabilang ang isang babae na anak ng barangay chairman matapos mahulihan ng P408,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang drug buy bust operation ng mga awtoridad nitong Huwebes sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga nadakip na saina Charisse Nicole Ledesma, 38, residente ng Rizal Street, Barangay 24, Bacolod City; at Remus Cabiles, 45, residente ng Puentebella Subdivision, Barangay Taculing, Bacolod City.

Batay sa report ng Bacolod City Police Office (BCPO), bandang 1:13 AM ng madakip ang mga suspek sa Purok Hollow Blocks, Bangga Yap, Barangay Singcang-Airport, Bacolod City,

Sa isinagawang operasyon ng Bacolod City Police Station 8, nakabili sila sa mga suspek ng 1 pakete na naglalaman ng shabu kapalit ng P1,000.00 marked money.

Narekober rin sa mga suspek ang 60 gramo ng shabu na may standard price na P408,000.

Sinabi ng pulisya na high value individual ang mga suspek na nadakip noong 2019 sa kasong paglabag sa iligal drugs at nakalabas noong 2020.

Nabatid na si Ledesma ay panganay na anak ni Barangay Chairman Lupe Ledesma ng nasabing barangay.

Nakakulong ngayon sa custodial facility ng Police Station 8 ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002./Mary Anne Sapico

Previous article3 nalibing sa buhangin sa bangga ng dump truck
Next articleEx-army arestado na sa panghoholdap sa 7 Eleven