Home METRO Ex-army arestado na sa panghoholdap sa 7 Eleven

Ex-army arestado na sa panghoholdap sa 7 Eleven

Arestado na ang retiradong sundalo na suspek sa panghoholdap sa isang sangay ng 7 Eleven convenience storesa ikinasang follow up operation ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD).

Nakakulong ngayon sa Sta.Mesa Police Station (PS8) ang suspek na si Alberto Amadot y Ungra, 54 taong gulang, tubong Atimonan Quezon,retired Philippine Army na may rank na Technical Sargent at nakatira sab 2911 Samat St., Tondo, Manila.

Si Ungra ay naaresto sa harap ng isang bahay sa Samat St., Barangay 206, Tondo, Maynila sa isinagawang follow up operation ng mga operatiba ng Sta.Mesa Police Station matapos magreklamo ang kinatawan ng establisyimento na si Jonel Godo na isang store manager .

Madaling araw ng Huwebes nang pumasok sa convenience store ang suspek at magpanggap na kostumer nang nilapitan ang kahera at biglang nagdeklara ng holdap hawak ang isang baril.

Tinangay ang halos P12 libong kita ng store saka tuluyang tumakas ang suspek ngunit sa tulong ng mga operatiba ng Abad Santos Police Station (MPD-PS 7) , ay naaresto agad ang suspek.

Narekober sa knaya ang isang motorsiklo na ginagamit sa kanyang illegal na aktibidad, ibat-ibang uri ng mga bala ,magazine at ID’s, tactical bag na naglalaman ng mahahalagang gamit ng suspek. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleP408,000 shabu nasamsam sa 2 durugista
Next articleP428M emergency loan sa ASF-affected OrMin farmers inilaan ng GSIS