Home NATIONWIDE P428M emergency loan sa ASF-affected OrMin farmers inilaan ng GSIS

P428M emergency loan sa ASF-affected OrMin farmers inilaan ng GSIS

MANILA, Philippines – INANUNSYO ng Government Service Insurance System (GSIS) na bukas na ang emergency loan window nito para sa mga miyembro at pensioners na apektado ng African swine fever (ASF) sa Oriental Mindoro.

Sinabi ng pension fund na naglaan ito ng P428 million para sa financial assistance.

Sinabi ng GSIS na ang mga miyembro na mayroon pang emergency loans ay ‘eligible’ na humiram ng hanggang P40,000 para ayusin ang nakalipas na loan balances, na may maximum net na nagkakahalaga ng P20,000.

Iyon naman ayon sa GSIS na walang anumang outstanding emergency loans, kabilang na ang mga pensiyoando, maaaring mag-apply para sa P20,000 loan.

Ang deadline para sa paghahain ng aplikasyon ay sa Marso 20, 2024.

“Qualified for the loan are GSIS members who are residents or employed in the calamity areas, ” ayon sa pension fund.

Ayon pa sa GSIS, kailangan na wala silang “leave of absence without pay, walang pending administrative o criminal case, at dapat na nakatatanggap ng net take-home pay na P5,000 matapos kaltasin ang required monthly obligations.

Kuwalipikado rin na humiram mula sa loan facility ang old-age at disability pensioners na nakatira sa calamity areas na ang resulta ng net monthly pension matapos makapag-loan ay 25% ng kanilang basic monthly pension.

Wala rin aniya dapat na outstanding loan na kinaltas mula sa kanilang monthly pension maliban sa pension loan.

Winika ng pension fund na ang emergency loan nito ay mayroong 6% interest rate at three-year payment term.

“Members may apply for the loan anytime, anywhere, via the GSIS Touch mobile app,” ayon sa GSIS.

“They may also file their application through the GSIS Wireless Automated Processing System (GWAPS) kiosks located in all GSIS branches, major government offices such as the Department of Education, provincial capitols, city halls, municipal offices, and selected Robinson’s and SM malls,” dagdag na pahayag ng GSIS. Kris Jose