Home ENTERTAINMENT Kylie, pinipilit na makipagbalikan kay Aljur, nag-react!

Kylie, pinipilit na makipagbalikan kay Aljur, nag-react!

89
0

Manila, Philippines – Nagbahagi si Kylie Padilla ng litrato ng bonding niya sa kanyang mga anak na sina Alas at Axl.

Ito ay sa okasyon ng National Children’s Month.

Tinawag niyang mga anghel niya ang dalawang anak na diumanoý malambing at maalaga sa kanya.

Na-touch din daw siya sa gesture ng kanyang panganay na ikinuha pa siya ng tubig nang mapansing wala nang laman ang tasa niya sa  side table ng kanyang kama.

Ang bunso raw naman niyang si Axl ay naglalambing sa kanya na magpa-breast feed.

Sey pa niya, ang two boys daw niya ang itinuturing niyang soul mates.

Caption niya: “It’s children’s month and I would love any reason to celebrate the two angels of my life. Last night we went to sleep in our own rooms and they came to kiss me goodnight. “Alas, the thoughtful boy that he is, noticed I didn’t have my usual cup of water on my side table and he went to get me one on his own volition.

“The sweetest thing Axl who is still my shadow continues to follow me around everywhere and keeps telling me he wants to breastfeed again huhu.

“I keep thinking to myself it is possible to command my body to produce milk again lol that was my favourite part of the infant stage too. Who knew I would find my soulmates in my two boys hearts. We are the three musketeers for life.”

Isa namang kate-katerang netizen ang inurot siyang makipagbalikan sa ex na si Aljur Abrenica.

Sey ni @YSMN22: “Sana magkabalikan po kayo ng tatay nila.”

Maagap namang tinugon ni Kylie ang nasabing netizen sa pagsasabing okey o solb na siya kahit wala ang ama ng kanyang mga anak.

Tugon ni Kylie: “@_ysmn22 no thanks. We good.”

Pang-uusisa naman ni nicstogo: “@kylienicolepadilla ayaw mo na talaga sa kanya? Sad.”

May mga nagtanggol naman kay Kylie at nag-request na igalang na lamang ang pribadong buhay nito.

Hirit nila, hiwalay na raw ang aktres at may karelasyon na ang ex nito kaya malabo nang magkabalikan ang dalawa. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here