Home ENTERTAINMENT Kylie, umaaray sa gastos sa mga anak; Aljur, walang sustento?

Kylie, umaaray sa gastos sa mga anak; Aljur, walang sustento?

Manila, Philippines- Para na ring inamin ni Kylie Padilla that she’s getting zero financial support from the father of her kids, si Aljur Abrenica.

Dalawa ang naging bunga ng maikling relasyon nina Kylie at Aljur–sina Alas at Axl.

In fairness to Kylie, singlehandedly ay naitaguyod niya ang kanyang dalawang anak.

Sa madaling salita, never siyang dumepende kay Aljur.

But Kylie is humming a different tune now.

Sa vlog interview sa kanya ng kanyang paternal aunt na si Bb Gandanghari ay umaaray na siya.

Lumalaki na nga naman ang dalawang bagets.

And the older they get, the higher the overhead expenses.

Wish nga ni Kylie na makatagpo ng lalaking hindi lang siya mamahalin kundi magiging katuwang sa buhay in helping her raise her kids.

Inamin ni Kylie sa kanyang Tita BB na napapagod na rin daw siya sa katatrabaho.

Despite her complaints, mabuti’t hindi nababakante si Kylie.

She’s cast in two shows on GMA–ang Encantadia Chronicles at My Father’s Wife. Ronnie Carrasco III