Home ENTERTAINMENT Kyline at Rere, pakabugan sa dyowa!

Kyline at Rere, pakabugan sa dyowa!

Manila, Philippines- Sa isang portal, hindi maiwasang pagkumparahin ang dalawang GMA-7 contract artists na sina Kyline Alcantara at Rere Madrid.

In fairness, marami kasi ang naiinggit na mga kababaihan at sangkabekihan sa dalawang talents ng Kapuso network.

Bakit ba kamo?

Tuwing rumarampa kasi ang dalawa ay nagkakabugan sila sa pagdi-display ng kanilang mga rumored dyowa.

Talk of the town din ang sightings nila with two of the most handsome and eligible cagers in the metropolis.

Kapag kasi tinatanong sa kanyang lovelife si Rere na nakakababatang kapatid ni Ruru, hindi maitago ang kilig dito.

Kakaiba rin ang glow ng kanyang mga mata kapag kasama niya ang seven footer Gilas Pilipinas basketball player na si Kai Sotto na nali-link sa kanya.

Sa kaso naman ni Kyline, maraming mga Marisol ang naniniwalang may relasyon na sila ng dating basketball player na si Kobe Paras.

Iyong ‘what you see is what you get’ niya ay ayaw nang bumenta at minsan ay pinagtataasan na lamang ng kilay ng mga nagmamahadera.

Rason pa ng mga pa-savage, hindi naman ito kakandong sa isang lalake kung walang something na namamagitan sa kanila.

Ito ay kahit pa nag-deny pa si guy at sinabing friends lang sila.

In any case, kung hindi man ganoon kabongga ang karera nina Kyline at Rere, at least, palong-palo naman ang kanilang mga lovelife. Archie Liao