Home METRO Mga nasimulang proyekto at programa sa maynila, ipagpapatuloy ng tambalang Honey at...

Mga nasimulang proyekto at programa sa maynila, ipagpapatuloy ng tambalang Honey at Yul

185
0
Naghain na ng COC sina incumbent Manila Mayor Honey Lacuna kasama ang kanyang running mate na si Yul Servo bilang vice mayor ng Lungsod ng Maynila, para sa kanilang ikalawang termino. Crismon Heramis

MANILA, Philippines- Tiniyak ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan na ipagpapatuloy nito ang programang “social amelioration” na siyang nagbibigay ng buwanang pensyon para sa mga senior citizen, Person with disability (PWD), solo parent, at mga estudyante ng Universidad de Manila at Pamantasang Lungsod ng Maynila.

Ang naturang pahayag ni Lacuna ay sinabi matapos ang paghahain ng certificate of candidacy (COC), kasama ang kanyang ka-tandem na si Vice Mayor Yul Servo Nieto, para sa kanilang ikalawang termino.

Ayon kay Lacuna, bukod sa nasabing programa ay nakatuon din ang kanilang pansin sa pagbibigay ng trabaho sa bawat Manilenyo at pagpapatuloy ng kanilang mga nasimulang mga proyekto sa lungsod ng Maynila.

Binigyang-diin pa ng alkalde na magiging malinis ang gagawin nilang pangangampanya ng kanyang ka-tandem na si Vice Mayor Servo dahil hindi aniya nila naging ugali na manira ng sinuman, lalu na ang mga kalaban sa pulitika.

Ang tambalang Honey at Yul ay nasa ilalim ng lokal na partido na Asenso Manileño kung saan si Mayor Lacuna ang nagsisilbing presidente nito.

Sinamahan naman ng kani-kanilang pamilya sa paghahain ng kanilang COC ang tambalang Honey at Yul kung saan nagpakita din ng suporta ang kanilang mga kaalyadong kongresista na sina Congressmen Rolan Valeriano ng 2nd District, Atty. Joel Chua ng 3rd Dist., Edward Maceda ng 4th Dist., at Irwin Tieng ng 5th Dist.

Maging ang mga konsehal na bahagi ng Asenso Manileño ay naghain ng kanilang mga kandidatura tulad ng mga “re-electionist” na sina Councilors Roma Robles, Dr. J Buenaventura, at Rod Lacsamana ng ikalawang Distrito; Atty. Ernesto Isip Jr. ng ikatlong Distrito; Science Reyes ng ikaapat na Distrito; at Charry Ortega ng ikalimang Distrito.

Naghain din ng kanilang COC ang mga bagong sasabak sa pagka-konsehal na kabilang sa nasabing partido tulad nina Marc Lacson na anak ng kasalukuyang konsehal na si Macky Lacson ng Ikalawang Distrito; Karen Czareina Alibarbar, Jefferson Lau, at Arlene Maile Atienza ng ikatlong Distrito; gayundin si Belinda Isip na asawa naman ng kasalukuyang konsehal na si Boy Isip ng ikalimang Distrito. JR Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here