MANILA, Philippines – Umani ng kaliwat-kanang kritisismo ang mula sa netizens at environmental groups dahil sa mga nagkalat nitong tarpaulins na may slogan na “LABAN LINO” at nakalagay sa mga puno at pader sa ilang barangays sa Taguig.
Kinondena ng karamihan ang paggamit ng puno para sa paglagyan ng tarpaulin at binanggit ang Republic Act No. 3571, na nagbabawal sa mga akrtibidad na nakaksira sa mga puno sa pampublikong lugar.
Mahaharap ang mga lumabag sa nasabing batas ng anim na buwan hanggang dalawang taon na pagkakaulong at multa na ₱500 hanggang ₱5,000, o pareho ,ayon s aitinakda ng korte.
“Bukod sa nakakasira ito sa kalinisan at kaayusan ng ating kapaligiran, ang paglalagay ng mga poster sa puno ay nakakasama rin sa kalusugan ng mga ito. Hindi po ba puwedeng mas maging responsable ang pangangampanya nang hindi nakakasira sa kalikasan? Sana mabigyan ito ng aksyon para maprotektahan natin ang ating kapaligiran,” komento ni Krisha Hernandez sa Facebook.
Nagpahayag din ng pagkabahala ang zero-waste advocacy group EcoWaste Coalition sa paggamit ng mga puno bilang lokasyon para sa mga tarpaulin at campaign posters bago ang halalan.
“Ang paglalagay ng mga tarpaulin at iba pang campaign material sa mga puno ay hindi lamang nakakaapekto sa kalusugan ng mga ito kundi nagpapalala rin ng problema sa basura sa ating kapaligiran.
“Ang ganitong uri ng pagkakalat ay isang paglabag sa mga batas na naglalayong protektahan ang kalikasan at sumisira sa kagandahan ng ating mga lansangan. Nananawagan kami sa mga kandidato at kanilang mga taga-suporta na iwasan ang ganitong gawain, pangalagaan ang mga puno, at isaalang-alang ang mga alternatibong pamamaraan ng pangangampanya na hindi nakakapinsala sa kalikasan,” sabi ni Aileen Lucero, National Coordinator of EcoWaste Coalition.
Noong nakaraang Linggo, ibinasura ng Election Registration Board (ERB) ng Comelec-Taguig City ang kahilingan ni Lino Cayetano at ng kanyang asawang si Fille na ilipat ang kanilang voter registration mula sa Second District patungo sa First District ng Taguig-Pateros.
Ang 24-pahinang resolusyon ng ERB ay nagbanggit ng hindi sapat na ebidensyang isinumite ng mag-asawa upang patunayan ang kanilang paninirahan sa Pacific Residences, Brgy. Ususan.
Dahil dito, nananatili ang voter registration ng mga Cayetano sa Brgy. Fort Bonifacio, kung saan sila kasalukuyang naninirahan at bumoto sa 2023 Barangay at SK elections. RNT