Ito na lang ang pampalubag-loob na nasa isip ng baguhang si John Arcenas makaraang laglag ang inaasahan pa mandin niyang entry sa 50th Metro Manila Film Festival.
John topbills Idol: The April Boy Regino Story.
Of all who auditioned for the plum role ay siya ang napusuan ng writer-director nitong si Efren Reyes Jr.
Parang pinagtiyap naman ng tadhanang malaman that John’s dad ay isa palang tagahanga ng yumaong singer.
For his part, inaral daw ni John ang mga nuances at kilos ni April Boy.
Bukod ito sa panonood ng mga nilabasang pelikula nito.
Ending–mukha namang plakado ang “pangongopya” ni John.
Nasilat nga lang ang sorpresang inihanda ng producer nito.
Sa poster kasi ng pelikula, mapapansing nakatalikod ang gumanap bilang April Boy.
Sadya pala ‘yon dahil nu’ng time ng poster layout ay pahuhulaan sana kung sino ang gaganap bilang April Boy.
Kaso, nag-leak nang the role landed on John’s lap.
This end of November ang showing ng Idol na ibinuko ring may ilang bagay na hindi alam ng publiko tungkol sa singer.
As depicted in the story, pinagbawalan na pala si April Boy ng kanyang doktor na huwag uminom when diagnosed with illness.
Pero sumige pa rin daw ito, defying doctor’s orders.
Kumbaga, there’s a lesson to be learned. Ronnie Carrasco III