Home METRO Misis tinangkang itumba habang naglulutoMETRONATIONWIDETOP STORIES Misis tinangkang itumba habang naglulutoNovember 7, 2024 12:00 FacebookTwitterPinterestWhatsApp ILOCOS NORTE – Sugatan ang isang misis matapos na barilin ng hindi nakilalang suspek sa Brgy. Ester, Vintar ng lalawigang ito kagabi.Kinilala ang biktima na si Arlene Badayan, 49, residente ng naturang lugar.Sa imbestigasyon, kasalukuyang nagluluto ang biktima sa kanilang kusina nang lumitaw ang suspek at agad na binaril nito ang biktima.Matapos na barilin ang biktima, mabilis na tumakas ang suspek.Naka-confine ngayon sa ospital ang biktima dahil sa mga tinamo nitong sugat sa kanyang kaliwang palad, kaliwang balikad at pwet.Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad para alamin kung ano ang motibo sa krimen at tukuyin kung sino ang salarin. Rolando S. Gamoso