PANGASINAN-Patay ang isang church minister samantalang sugatan ang dalawang kasama nito matapos na mahulog sa irrigation channel ang kanilang sasakyan sa Brgy. Lobong, San Jacinto ng lalawigang ito kahapon, November 6.
Ayon sa mga otoridad, ang Ford Ranger na sinasakyan ng 51-anyos na church minister, may asawa, residente ng Parañaque City, National Capital Region ay minamaneho ng 22-anyos na lalaki, estudyante, residente ng Dagupan City, Pangasinan.
Nakasakay din sa naturang sasakyan ang isang 47-anyos na babae, may asawa, residente rin ng Parañaque City, National Capital Region.
Bandang 3:00 ng madaling-araw ay bumibiyahe ang naturang sasakyan sa provincial road sa naturang lugar papuntang kanluran nang masagasaan nito ang nakatambak na gravel and sand sa sirang bahagi (westbound lane) ng tulay.
Dahil dito, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver hanggang sa mahulog sa irrigation channel sa tabi ng eastbound lane ang sasakyan.
Nabatid na ang tatlo ay pare-parehong sugatan at agad na isinugod sa ospital.
Gayunman, ang isa sa mga biktima ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso