Home NATIONWIDE Labi ng 2 Filipino seafarer na napatay sa Hormuz naiuwi na

Labi ng 2 Filipino seafarer na napatay sa Hormuz naiuwi na

1
0

MANILA, Philippines – Naiuwi na sa bansa ang labi ng dalawang Filipino seafarer na napatay sa pag-atake sa Strait of Hormuz habang sakay ng M/V SIDR noong Agosto 31.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), ang pamilya ng dalawang seafarer ay makatatanggap ng iba’t ibang uri ng tulong mula sa pamahalaan.

Ang repatriation ay kasunod ng pag-uwi rin sa Pilipinas ng 14 iba pang Filipino seafarer na sakay ng kaparehong barko noong Setyembre 8.

Patuloy namang iniimbestigahan ng DMW ang manning agency ng dalawang seafarer matapos malaman na ang isa sa mga biktima ay nagsagawa ng kanyang “refuse to sail” right nang malaman na ang barko ay dadaan sa Strait of Hormuz. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here