Home NATIONWIDE Labi ng 3 pinatay na goat dealer naiuwi na sa Manila

Labi ng 3 pinatay na goat dealer naiuwi na sa Manila

298
0

MANILA, Philippines – Naiuwi na sa Manila ang labi ng tatlong goat dealer na nawawala sa bayan ng Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao del Sur 23 araw na ang nakararaan, at natagpuan ang bangkay ng mga ito noong Sabado, Mayo 31 sa isang hukay sa kaparehong barangay.

Ang mga ito ay dinala pabalik ng Manila sa pamamagitan ng Philippine Air Force (PAF) C-130 flight mula sa Awang Airport.

Huling nakita ang mga biktima na sina John Luis Olarte, 22; Gerry Olarte, 31; at Ronald Alumno, 47, noong Mayo 11 sa loob ng puting van na naghahatid ng hybrid goats sa Barangay Linangantan, Mamasapano.

Natagpuan na lamang ang bangkay ng tatlo noong Sabado nang mapansin ng mga residente ang hindi kanais-nais na amoy sa kanilang lugar.

Dahil dito ay nagtulong-tulong ang mga awtoridad at mga residente na hukayin ang lupa kung saan nagmumula ang amoy at dito natagpuan ang bangkay ng tatlo na nakatali at may tama ng bala ng baril.

Ipinag-utos na ni Brig. Gen. Romeo Macapaz, regional director ng police regional office in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, ang masusing imbestigasyon sa pagkamatay ng tatlong goat dealer.

“Efforts are focused on determining the cause of death, identifying those responsible and collecting substantial evidence to ensure that the perpetrators are held criminally liable and brought to justice in accordance with the law,” ani Macapaz kasabay ng pagsisiguro sa mga pamilya ng mga biktima na “justice will be pursued with utmost urgency diligence and resolve.”

May natukoy nang limang persons of interest ang mga imbestigador. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here